Agaw Atensyon Ang Isang Motor Na Dinisenyuhan Upang Magmukhang Helicopter Sa Kalsada



Sa dami ng mga sasakyan ngayon sa kalsada na nagdudulot ng matinding traffic, ay mapapaisip ka na lang, sana ay pwede na lang makalipad ang iyong sasakyan para mas madali kang makakadating sa iyong pupuntahan. 
Ngunit bukod sa mga sasakyang panghimpapawid, ay kathang isip pa rin ang mga kotseng lumilipad na sana nga balang araw ay mayroong makaimbento nito para mabawasan na ang traffic. 
Pero sa Davao City ay naging agaw atensyon ang isang motor na naka-customized na nagmukhang para isang maliit na helicopter sa daan. 

Ibinahagi ng isang netizen sa kanyang Facebook account na nakilala bilang si Carter Usman ang isang post na kung saan mapapansin ang kakaibang single na motor dahil dinisenyuhan ito na mukhang isang helicopter na hinango pa sa kulay ng watawat ng Pilipinas na may blue, red at white na kulay. 
Naka-attach ang tila body ng helicopter sa motor at mayroon pa itong elesi sa taas. Makikita na noong sasakay na ang lalaki sa motor ay mayroon itong parang maliit na pintuan papasok sa loob.

At noong pinaandar ang motor-copter na ito ay nakakatuwa dahil maging ang elesi sa taas ay umiikot pa na parang katulad sa isang totoong helicopter. 
Tiyak na noong pinaandar ito sa kalsada ay mapapalingon ang bawat makakakita dahil bibihira lang na makakita ng ganitong klaseng sasakyan. 

Ayon sa post ng ibinahagi ng isang netizen na si Enah Fornillos, ay nakuhanan niya ng larawan ang motor-copter na nasa daan. At inilagay sa caption na, “sa Davao ka lang makakakita ng helicopter na nakikisabay sa mga sasakyan”.

Makikita rin na sa body ng helicopter ay mayroong nakasulat pa na, “Pilot on the road.”
Bukod sa kakaibang disenyo ay maganda rin ang naging imbensyon na ito kapag umuulan. Dahil  kung iisipin niyo hindi na nga mababasa ang taong nakasakay sa motor. 
Narito at panuorin ang video.


Source: Facebook/ Carter UsmanFacebook/ Enah Fornillo

+ There are no comments

Add yours