Aso Na Nawala Ng 4 Taon, Muling Natagpuan Dahil Sa Social Media



Iba na talaga ang nagagawa ng internet at social media ngayon. Marami na ang mga pangyayari o pagkakataon na kapag mayroong isang nawawala o hinahanap ay sa social media ito natatagpuan dahil sa mabilis na pagbabahagi ng mga tao. 
Isang aso na pangalan ay Bonbon ay 4 na taon nang nawawala dahil nawalay sa kanyang mga amo noong isinama ito sa isang car trip. Pebrero 16, 2015 nang huling makasama ng nagmamay-ari na si Nang Noi Sittisam at kanyang asawa ang kanilang alaga noong bibisitahin sana nila ang kanilang anak na si Khon Kaen.
Ngunit nang pabalik na sila sa bahay, ay napansin na lamang ni Nang Noi na nawawala na ang kanilang aso noong nag-stop over sila sa isang gasolinahan. Suspetsa nila na maaaring tumalon ang kanilang aso sa bintana habang hinihintay na mag-go ang stoplight at hindi nila ito napansin. 
Dahil dito ay binalikan nilang muli at hinanap ang kanilang alaga ngunit sa kasamaang palad ay hindi na nila ito natagpuan. Ilang linggo, buwan, at taon ang nakalipas ay inakala na lang ng mag-asawa na baka mayroong nangyaring masama sa kanilang aso at wala na ito.
Ngunit sa kabilang banda, ay mayroong isang babae na nakilala bilang si Saowalak ay natagpuan ang aso na si Bonbon sa gilid ng daan. Araw-araw ay lagi niyang nakikita roon ang aso na buto’t balat kaya naman dahil naawa siya rito kaya niya ito hinahatiran ng pagkain.

Isang netizen ang lumapit sa babae at naitanong ang istorya ng aso. At sinabi nga ng babae na araw-araw raw nandoon lamang sa gilid ng kalsada ang aso na tila parang may inaantay kaya hinahatiran na lang niya ito ng pagkain. 
Mula noon ay ipinost ito ng netizen sa social media hanggang makarating ito sa totoong may-ari ng aso. Laking gulat nila na makalipas ang 4 na taon ay buhay pa ang kanilang alaga at sa wakas ay muli nila itong natagpuan. 


+ There are no comments

Add yours