Batang Lalaki, Nagbalik ng Php150K na Kaniyang Napulot sa Kalibo Airport Restroom
Isang katorse anyos na bata ang umani ng papuri mula sa mga netizens pagkatapos niyang mag sauli ng isang daan at limang pung libong piso niyang Nakita sa isang palikuran ng airport. Ang batang ito ay tinutulungan ang kanyang mga magulang para mag tinda ng tubig sa loob ng Kalibo AirporT, kilala bilang gateway papasok ng Boracay Island. Ang pangalan ng batang ito ay LJ Alejandro. Noong nasa loob ng CR ng airport si LJ, napansin niya ang isang itim na pouch na tilang may nakaiwan nito.
Dahil si LJ lamang ang nasa loob ng CR, dali dali siyang pumunta sa kanyang ina para ipakita ang kanyang napulot na itim na pouch. Noong nakita ng kanyang ina na may malaking halaga ang laman ng pouch, pumunta silang mag ina sa Kalibo Airport Police Station para ireport ang naiwan na itim na pouch na kanilang napulot. Ayon sa mga otoridad, hindi nag atubiling ibalik ng mag ina ang pouch dahil alam nilang may mag hahanap nito at mababagabag ang taong may ari nito kung malalaman niyang may kumuha sa kanyang pera.
Ayon sa pagsusuri, napag alaman ng mga otoridad na may laman palang isang daan at limang pung pisong salapi ang pouch kasama ang ID ng may ari. Ang pouch pala na ito ay pag mamay-ari ng isang Chinese national na nag ngangalang Yihe Hong. Noong araw din na iyon, bumalik si Hong sa airport para i-ulat ang kanyang nawawalang pouch. Natuwa siya noong nalaman niyang isang bata ang nag sauli sa mga otoridad. Dahil sa tuwa ni Hong, binigyan niya ng pabuya ang mag ina.
Maraming mga netizens ang namangha sa ginawa ng batang si LJ. Marami namang mga kilala ni LJ ang hindi namangha dito dahil alam nilang may integridad at matapat ang batang ito. Sabi ng kanyang ama, napaka sipag ni LJ dahil pagkatapos ng kanyang klase ay dali dali siyang pupunta sa airport ng Kalibo para tulungan ang kanyang ina na mag tinda. Ayon sa guro nito na si Ms. Nerissa Ventura, hindi lamang matapat si LJ, isa rin siyang matalinong bata at isang honor student sa school.
Goodjob..ipagpatuloy mo yan…!!push..!