Dalawang Estudyante, Tumigil sa Pagtawid Upang Magbigay Galang sa Ating Pambansang Awit


Mga estudyante pa lamang tayo ay tinuruan na tayo sa paaralan na magbigay galang sa ating watawat ng sa pamamagitan ng pagkanta ng maayos ng Pambansang Awit. Ito ay ang pagtayo nang tuwid at paglalagay ng kanang kamay sa may kaliwang dibdib habang nakaharap sa watawat sa tuwing pinapatugtog ang pambansang awit ng Pilipinas.
Sa katunayan ay mayroon nang inilabas na batas tungkol sa pagbibigay respeto sa watawat at pagkanta ng pambansang awit. Ang isinakatupad na batas ng Pilipinas ay nagsasaad na kapag tumunog ang Lupang Hinirang sa publiko, kinakailangang sabayan ito ng mga tao hanggang sa ito ay matapos. Sinasabi rin ng batas na ang Lupang Hinirang ay hindi maaaring ipatugtog sa kahit anong uri ng libangan na pang entertainment lamang. Ang hindi pagsunod sa batas na ito ay magpapataw ng kaukulang multa o kaukulang parusa sa sinuman ang hindi sumunod dito. 

Hindi man nasusunod ang batas na ito sa lahat ng oras, ay mayroon pa ring mga Pinoy ang nagpapakita ng kanilang paggalang tuwing pinapatugtog ang Lupang Hinirang, may nakakakita man o wala sa kanila. Isang facebook post ang kamakailan ang nag-viral dahil nakuhanan na litrato ang dalawang estudyante mula St. Augustine School of Nursing habang sila ay nakatigil sa gilid ng kalsada at nagbibigay-pugay sa pambansang awit. Ayon sa facebook uploader na si Mark Anthony Garais, ang mga nasa litrato ay ang dalawa niyang kaeskuwela na late na raw sa flag ceremony. Ngunit hindi ito naging dahilan upang hindi sila magbigay-galang sa pinapatugtog na Lupang Hinirang.
Ayon pa kay Mark, kaya niya kinuhanan ng larawan ang kaniyang dalawang ka eskwelahan ay hindi naman daw kasi lahat ng estudyante ay ginagawa ito at tumitigil sa kung anong mga ginagawang bagay kapag pinatugtog ang Lupang Hinirang. Nais lang ni Mark na tularan ng mga bata ngayon o ng ibang tao ang magandang ehemplo ng dalawang kaeskwelahan niya. 

+ There are no comments

Add yours