Estudyanteng May Problema Sa Mata Kahit Na Hirap Ay Masipag Pa Rin Pumasok Para Makapag-aral
Maraming mga kabataan ngayon ang nagbubulakbol at hindi sineseryoso ang pag-aaral. Minsan kahit na todo hirap sa pagtatrabaho ang kanilang mga magulang para mapag-aral lang sila ay sinasayang nila ito. Kaya kung iisipin ay talaga namang nakakapanghinayang.
Hindi lahat ng bata ay nabibigyan ng pagkakataong makapag-aral. Kaya naman maswerte ang mga batang nabibigyan ng pagkakataong makapag-aral.
Katulad ng 18 taong gulang na Grade 7 student sa T’boli National High School na si Mae Sasutil, kahit na siya ay mayroong c0ngenital eye d!sorder ay masipag pa ring siyang pumapasok sa eskwela at hindi pinapalagpas ang pagkakataon upang siya ay matuto.
Ibinahagi ng kanyang guro na si Teacher Rhea ang larawan ng estudyante at humihingi ng tulong sa social media. Makikita kasi na tutok na tutok ang mga mata ni Mae sa librong kanyang binabasa.
Nahihirapan ang estudyante sa pagsusulat at pagbabasa dahil sa kondisyon ng kanyang mga mata. Ngunit kahit na nahihirapan siya ay hindi siya nagreklamo o nanghingi ng espesyal na atensyon sa kanyang mga guro. Sa halip ay sinusubukan niya ang lahat ng kanyang makakaya para lang makasunod sa klase.
Mabagal man ang kanyang paggawa ay sinisigurado niya na sinasagutan at ginagawa niya ang kanilang mga takdang aralin.
Maraming netizens ang humanga sa kasipagan ng dalaga at mayroong mga nagbigay ng tulong ay donasyon upang mapa-check ang mata ni Mae at mabigyan siya ng salamin.
Narito naman ang mga naging komento ng mga netizens:
“God bless this girl. She will go far in life and I believe blessings is on her way. Thanks to the teacher who posted this. It’s an inspiration to those who has none.”
“Sila ang mga kabataan na dapat bigyan ng malaking opportunity sa lipinan sila yung mga matiyaga sa kabila ng kanilang kapansanan.”
“Sana matingnan siya ng opthalmologist. Ako bilang isang optometrist I can give her eyeglass free of charge, ipaalam lang sa akin ang prescription address at para maipadala ko sa kanya ang salamin.”
+ There are no comments
Add yours