Gasoline Girl, Nakatanggap ng Scholarship Matapos Magbalik ng Bag na May Laman na Php200,000


Isang babae ang nag tatrabaho sa isang gasolinahan ang nag sauli ng isang bag na may lamang dalawang daang libong piso na gagamitin para sa intrams ng isang school ang ginantimpalaan ng pera at apat na taong scholarship dahil sa kanyang katapatan at integridad. Ang kanyang pangalan ay Abigail Degamo at siya ay nag tatrabaho sa isang gasoline station sa Davao City noong nakita niya ang isang bag sa kalsada malapit ng gasoline station. 
Hindi pala ito sinasadyang malaglag sa isang trycicle ngunit hindi niya alam kung sino ang naka laglag nito dahil sa dami ng sasakyan na dumadaan. Nagulat siya noong nakita niya na may laman pala itong dalawang daang libong piso! Sa halip na ibulsa niya ito at gastusin ang pera, alam ni Abigail ang nararapat na gawin sa kanyang napulot na salapi. Ayon kay Abigail, madali sanang gastusin ang perang kanyang napulot ngunit hindi madali ang gastusin ang perang hindi niya pinag hirapan dahil lagi niyang maiisip kung ano ang mararamdaman ng taong may ari nito.

Dali daling pumunta si Abigail sa pinaka malapit na ABS-CBN station para i-turn over ang bag at para ma i-broadcast ito upang mabalik sa may ari. Si Cheryl Apilan, isang empleyado mula sa Student Affairs Office ng Davao Merchant Marine Academy College of Southern Philippines, ang may ari ng bag. Natuwa siya ng nalaman na ibinalik ni Abigail ang bag sa istasyon ng ABS-CBN dahil hindi naman sa kanya iyon at gagamitin ito para sa intramurals ng eskwelahan! Kung hindi naibalik ang pera, ay babayaran niya ito at nag pasalamat siya dahil si Abigail ay isa sa sagot ng kanyang mga panalangin.
Noong nalaman ni Cheryl na graduate si Abigail ng Alternative Learning System (ALS), hindi lamang pera ang pabuya ng eskwelahan dahil binigyan din siya ng apat na taong scholarship para sa isang special program ng eskwelahan! Ayon kay Abigail, masaya siya sa nakuha niyang pabuya dahil makakabalik ulit siya sa pag aaral.

+ There are no comments

Add yours