Goverment Owned School Materials, Binenta sa Junk Shop Imbes na Ipamigay sa mga Estudyante
Isang malaking bunton ng mga school supplies na nagmula sa Cebu angnakitang nasa junk shop ng Barangay Canduman sa Mandaue City. Isang hindi nag pakilalang mamamayan ang nag alerto sa mga opisyal na maari ito ay ginamit sa isang kurapsyon. Lumitaw na ang mga gamit na mula sa gobyerno kagaya ng libro, notebook, lapis at iba pa ay binenta sa junk shop ng isang empleyado na nag tatrabaho sa gobyerno. Ang mga school materials at mga history books ay inilaan na ipamahagi sa mga estudyante sa pag sisimula ng pasukan noong Hunyo.
Kasama ito sa badyet ng Local School Board ng probinsya at tinatayag na nag kakahalaga ng P14.9 milyong pisong ang mga school supplies. Pitong daang set ng mga school supplies at isang daang mga history books ang sinasabing ibinenta sa junk shop. Ang isang set any may lamang isang notebook, isang pad paper, at isang lapis na nakalagay sa plastic envelope. Ayon kay Bernard Calderon, pinuno ng Provincial General Services Office (PGSO), ang halaga ng mga gamit na ito ay tatlong pu’t apat na piso.
Gayunman, kung sino mang empleyado ang nag benta nito ay nakatanggap lamang ng apat na libong piso pagkatapos niyang ibenta ito ng piso kada isang kilo. Binahagi din ng pinuno ng Provincial General Services Office na si Bernard Calderon na papaimbestigahan niya kung sino man ang empleyado ng gobyerno ang nag benta ng mga gamit pang paaralan sa junk shop.
Dahil dito, may isang empleyado ang umamin na nag benta sa junk shop pag katapos siyang utusan na linisin ang warehouse. Ang empleyadong ito ay nag tatrabaho na sa munisipyo sa loob ng tatlong pung taon. Maraming mga netizens ang nag react sa balitang ito. Marami din ang nagalit dahil sa halip na napakinabangan ito ng mga batang walang gamit sa eskwelahan, ay tinapon na lamang ito at pinag kakitaan pa ng pera ng kung sino man.
+ There are no comments
Add yours