Guro Hinangaan Sa Dedikasyon Nitong Makapagturo Kahit Na Tinatahak Ang Nasirang Daan Dulot Ng Landslide



Minsan hindi natin nabibigyan ng pansin ang dedikasyon ng ating mga guro para lamang makapasok sa paaralan at makapagturo. Hindi natin namamalayan na ang iba pang mga guro ay ilang ilog o bundok ang tinatawid upang magampanan lamang ang kanilang trabaho. 
Katulad na lamang ng isang guro na ito na taga Thailand, na hindi naging hadlang sa kanya ang mga sira-sirang daan para siya ay makapasok sa eskwelahan at maturuan ang kanyang mga estudyante. 
Kamakailan lamang ay ibinahagi sa isang post ng isang Thai Facebook user ang isang guro na ito na hinangaan sa kanyang dedikasyon na makapasok kahit na tinatawid niyang naka-paa lamang ang isang daan na nasira dahil sa landslide. 
Makikita na ang daanan ay nagcollapse dulot ng pagguho ng lupa dahil natamaan ng tropical storm ang kaanilang lugar. Kaya naman bilang pansamantalang solusyon ay naglagay lamang sila ng mga bakal na hagdanan para sa mga nais makadaan. 
Ayon sa mga kuhang larawan, makikita na bumagsak ang ilang tipak na mga semento kaya nahihirapang makatawid ang mga tao. At ayon sa mga residente doon na mayroong limang metro gap sa pagitan ng bumagsak na daan, 
Ngunit ang nasabing guro ay naglakas loob pa rin na bumaba at umakyat sa mga ito para lamang makatawid papuntang eskwelahan. 
Makikita na naka-uniporme na rin siya papasok habang binibitbit ang kanyang bag at sapatos upang makapanik at makababa sa mga inilagay na mga hagdanan. 

Sabi ng guro na kailangan niyang makatawid kahit ano pang mangyari dahil ang kanyang mga estudyante sa eskwelahan ay naghihintay sa kanya at kailangan pa niyang turuan ang mga ito. 
Samantala, hinangaan naman ang guro ng mga netizens dahil sa kanyang dedikasyon sa kanyang trabaho. Hindi lamang iyon, hinangaan rin ang kanyang katapangan dahil kahit na isa siyang babae ay kinaya niyang tahakin ang ganoong kadelikadong daan para lamang maturuan ang mga estudyanteng naghihintay sa kanya sa paaralan.
Source: Facebook

+ There are no comments

Add yours