Hinangaan Ang Isang Matandang Lalaki Na Walang Tirahan Dahil Ginawang Art Gallery Ang Bangketa



Kahanga-hanga talaga ang mga taong likas na sa kanila ang pagiging isang artist. Ngunit hindi lahat ng marunong gumuhit at magpinta ay nagkakaroon ng magandang buhay. 
Minsan ay kung ano lamang ang mga tira-tirang gamit ng iba ay iyon lang ang kanilang ginagamit upang magawa ang kanilang obra maestra. 
Ibinahagi ng netizen na si Matthew Gan ang isang 65 taong gulang na lalaki na nakilala bilang si Edgardo Lam na isang pintor na nakatira lamang sa bangketa sa Ermita, Manila. 
Ayon sa kanya, ang gallery at tirahan ng matanda ay doon lamang sa sidewalk ng street ng Padre Faura sa Ermita. At sa loob ng 20 taon ay pagpinta na ang libangan ng matanda. 
Dumating ang panahon na nagdesisyon siyang i-display ang kanyang mga artworks sa bangketa upang makita ng ibang taong dumaraan. At umaasa siya na sana man lang ay mapansin ito at bilhin upang kahit papaano ay may kita naman siya. 
Bahagi ni Gan na nakapa-limitado lamang ng mga kagamitan na ginagamit ng matanda sa pagpinta dahil wala naman talaga itong pambili. Minsan ay ibinibigay lang ito ng mga estudyante na bumibisita sa kanya o di kaya ay mula lamang sa mga tira-tirang pintura at plywood na kinokolekta niya sa mga construction sites. 

Ayon sa matanda, ang kanyang mga ipinipinta ay mula sa mga ideya niya na parang nakikita niya kapag siya ay nakapikit o di kaya ay mula sa mga iba’t ibang hugis na nakikita niya sa kanyang paligid. 
Kahanga-hanga talaga ang mga obra ng matanda dahil napakaganda at unique ng mga ito. At kahit na limitado ang kanyang mga kagamitan ay hindi ito pumipigil sa kanya upang gumawa ng mga makukulay ng mga paintings.

Ibinahagi ng netizen na kung mayroong gustong tumulong o magbigay ng mga tira-tirang pintura at brushes o di kaya ay bumili ng mga artworks ni Tatay Edgardo ay matatagpuan siya sa Padre Faura street corner M.H. Del Pilar. At tiyak na ma-aappreciate ito ni Tatay Edgardo. 

+ There are no comments

Add yours