Ibinahagi ni Candy Pangilinan ang Kaniyang Hirap Bilang Isang Ina sa Kaniyang Espesyal na Anak





Ang pagiging ina ay isa sa pinakamahirap na propesyon ng mga kababaihan. Nariyan na kailangan nilang pagdaanan ang paglilihi at pagdadala ng sanggol sa kanilang sinapupunan sa loob ng siyam na buwan. Maliban pa dito, kinakailangan nilang tiisin ang sakit sa panganganak at ang pagpupuyat upang masigurong hindi magutom ang bata at makatulog  ito ng maayos. Subalit mas doble ang nagiging hamon sa mga ina na nagkakaroon ng anak na may special need.

Isa na nga dito ang kilalang aktres at komedyante na si Candy Pangilinan. Ipinanganak niya ang sanggol na si Quentin noong taong 2004 at habang lumalaki ay napanasin niyang iba ang mga kinikilos nito kumpara sa mga batang ka-edad niya. Matapos nga ang pagsusuri na ginawa ng mga eksperto ay napag-alamang mayroong autism at Attention Deficit Hyperactivity Disorder (ADHD) ang bata.



Ayon sa panayam ni Candy sa mga host ng ABS-CBN show na “Magandang Buhay”, noong una ay sinisi niya ang sarili kung bakit ganun ang sinapit ng kaniyang nag-iisang anak na lalaki dahil ayon sa aktes ay dumaan siya sa matinding emotional abuse matapos iwanan ng kaniyang asawa ng halos isang buwan bago siya manganak. 


“Kapag nalaman mo kasi na ang anak mo may special needs, hahanap ka ng dahilan. So sinisisi mo kung sino ang may kasalanan,” pahayag ni Cindy 



Mahirap man ang naging sitwasyon ay hindi nawalan ng pananampalataya ang aktres at patuloy na kumapit sa Maykapal. Kaya naman sa tulong na rin ng kaniyang mahal sa buhay ay nakakayanan niyang tanggapin at pasalamatan ang biyayang ibinigay sa kaniya. 


“I never questioned God. As a matter of fact, I went to Him agad. Ang tanong ko lang is, ‘Anong gagawin ko?’ 


Sa kasalukuyan ay tinututukan ni Cindy ang pagpapagamot sa anak at sinisigurong maibibigay niya ang lahat ng pangangailangan nito habang lumalaki.

“Naiiyak ako kasi natutuwa ako with the development of my child. Ang laki na ng development niya, nakakapag-usap na kami, nakakapag-sulat na siya,” dagdag ng aktres.


Nagsulat rin siya ng isang aklat na pinamagatang, “Mommy Dear: Our Special Love.” Dito niya ibinahagi ang kwento ng kaniyang anak kasama na rin ang ilang paalala at payo kung papaano maging ina sa mga batang mayroong espesyal na pangangailangan. 


Tunay ngang lahat ng bata ay biyaya ng Maylikha at lahat sila ay may karapatang makaramdam ng pagmamahal at pagkalinga mula sa atin nang hindi alintana ang kanilang pisikal o emosyunal na kalagayan.

+ Leave a Comment