Isang 71 Years Old na Lola, Nasusumikap na Magtinda ng Tinapay Subalit Minsan ay Ninanakawan pa Siya!
Isa nanamang nakakalungkot na istorya ang nag-trending kamakailan tungkol sa isang matanda na may kapansanan na madalas pagnakawan ng ibang tao sa kaniyang mga paninda.
Siya ay si Aunt Nid, 71 year old na matandang babae na kumakayod araw-araw para sa kaniyang sarili.
Sa post ng isang Facebook Page na ‘I AM EAT’, ibinahagi nila na si Aunt Nid ay isang bulag kung saan araw-araw itong namumuhay mag-isa dahil wala na siyang pamilya o kaibigan na kaniyang makakasama sa buhay at aalalay sa kaniyang kapansanan.
Kahit na ganito ang kalagayan niya ay hindi ito nagpatibag dahil naghanap ito ng paraan upang kumita at ito ay ang pagtinda ng tinapay sa Bangkok.
Dahil siya ay mag-isa lamang, siya na mismo ang kumukuha ng mga supplies sa kaniyang manufacturer at siyang ibinebenta ito sa kaniyang mga customers.
Nagsisimulang magbukas ng alas syete ng umaga si Lola at madalas itong sold out pagdating ng 4pm dahil pinakyaw na ng mga customers ang paninda nito.
Subalit may iilan pa din na masasamang tao na pinaglololoko si Lola kung saan ninanakaw ng iba ang kaniyang mga paninda. Dahil sa kaniyang kapansanan, may pagkakataon na imbes na pera ang kanilang ibinabayad ay pekeng papel lamang ang kaniyang natatanggap.
Subalit kahit alam niyang paminsan minsan ay ninanakawan siya, masaya pa rin ito dahil ikinatutuwa niya ang pagtinda ng tinapay.
Sa katunayan, sobrang buti ni Lola dahil kung minsan ay binababaan pa niya ang presyo ng kaniyang paninda upang makabili at makatulong sa ibang kulang sa pambayad.
Marami ang humanga sakaniya dahil sa kaniyang kabutihan at positivity sa buhay kahit na mayroon itong kapansanan.Tila ba hindi ito naging hadlang sa kaniyang buhay dahil makikita mo na masaya siya sa tuwing nagbebenta ng kaniyang mga tinapay.
+ There are no comments
Add yours