Isang Bata Na Takot Sa Mascot Ng Jollibee, Nag-viral Sa Mga Netizens



Karamihan sa mga bata ay aliw na aliw makakita ng mga mascot minsan pa nga ay hina-hug pa nila ang mga ito nagpapa-picture. At madalas ay makakakita ng mga ito sa mga birthday party sa fastfood tulad ng Jollibee. 
Sino nga ba naman ang hindi maaaliw sa kwelang mascot ng Jollibee na isang bubuyog na mayroong napaka-cute na itsura. Hindi maikakaila na kapag sinearch mo sa internet ang mascot na ito ay napakaraming videos ang mapapanuod dahil nakakatuwa talaga ito. 
Ngunit isang netizen na nagngangalang Mae Conde ang nagbahagi ng isang video sa kanyang Facebook ng isang bata na tinatawag nilang Chaychay na tila takot na takot makita ang lumabas na mascot.
Sa post ni Conde ay nilagay niya ang caption na, 
“Yung ibang bata tuwang tuwa kay Jollibee yung isa takot na takot.”

Marami ang natuwa sa reaksyon ng bata dahil nakaupo ito sa tabi ng isang mababang divider habang sila ay kumakain, at nang makita niyang lumabas si Jollibee ay imbes na masorpresa siya rito ay naiiyak siya sa sobrang takot. 

Maririnig rin na sinasabi niya na “takot ako” habang unti-unti nitong tinatago ang kanyang ulo sa may divider upang hindi niya makita ang mascot. At nang mapansin ng mascot ang bata ay nilapitan niya ito, ngunit mas lalo itong natakot kaya napaalis na lang siya sa kanyang kinauupuan habang ang mascot ay napakamot na lamang sa kanyang ulo. 
Ayon sa isang nagkomento, paborito diumano ng bata ang Jollibee ngunit nagulat lang talaga ito dahil first time pa lang nito na makakita ng isang buhay na Jollibee. 
Samantala, dahil sa video na ito ay maraming netizens ang natuwa sa reaksyon ng bata. Narito ang kanilang ilang reaksyon.
“Nakakatuwa kasi lalo na yung face niya takot na tako ang cute.”

“Baka ayaw na ni Chaychat kumain sa Jollibee next time.”

“Hahahaha! Takot sa mascot pero ang takaw kumain ng chicken.”

Panuorin ang nakakatuwang video:

Source: Facebook

2 Comments

Add yours
  1. 2
    Unknown

    Hindi lahat ng bata gusto ky jollibe karamihan mga edad 5yrs old pababa takot Pa sa mga mascot like mga anak q lalo n ung bunso q 2yrs old sya takot n takot sa mga mascot.

+ Leave a Comment