Isang Bata, Nag-viral Matapos Magsulat ng Makadurog-Puso na Liham sa Kanilang School Janitor


Ang pasasalamat ay isa sa mga importanteng bagay na kailangan nating ituro para sa mga batang henerasyon. Maganda sa kanilang mga puso at sa puso ng mga taong nakapaligid sa kanila kung sa kanila mismong mga bibig lalabas ang mga salitang pasasalamat.  
Kagaya na lamang nitong tatlong taon gulang bata na ito matapos silang magsulat ng liham ng pasasalamat para sa kanilang school dyanitor para sa mga nagawa nito. Ang tweet na ito ay binahagi at kumalat sa social media matapos ipost ng anak ng dyanitor ang ginawa ng mga bata para sa kaniyang ina. Maraming mga kapwa Malaysians nila ang napukaw ang damdamin sa post na umapot na sa 335.1k retweets at 37.6k likes. 

Ayon sa anak ng dyanitor, ang kaniyang ina ay namamasukan sa isang eskwelahang pang elementarya at natuwa siya matapos magbigay ng liham ang isang estudyante sa kaniyang nanay na naninilbihan sa eskwelahan na iyon. Ang liham ay may kasama pang dalawang pagkain na oats at mga salitang papuri at pasasalamat kung paano nililinis ng kaniyang ina ang mga banyo lalo na ang mga inidoro at kung gaano natutuwa ang mga bata sa eskwelahan sa ginagawa ng kaniyang ina. 
Ayon sa mga nakalap na reports, ang nasabing bata pala ay ang mismong nagsulat at nagdrawing pa sa papel. Nagpapatunay na lamang na mabuti ang parenting style ng batang ito dahil naturuan siya kung paano rumespeto para sa iba. Napagalaman din pala na ang bata ay anak ng isang guro na nagtratrabaho din mismo sa eskwelahan kung saan nagtratrabaho ang ginang. Nakakatuwa na may mga magulang padin na swerte sa kanilang mga anak dahil sa may ugali silang alam pahalagain at respetuhin ang ibang mga tao. 

+ There are no comments

Add yours