Isang Fab Lola ang Naging Modelo sa Edad na 75


Si Choi Soon Hwa ay kasalukuyang pinaka matandang professional model mula sa South Korea. Ang lolang ito ay pitongpu at limang taong gulang. Noong nag tatrabaho pa siya limang taon ng nakalipas, siya ay isang care worker sa isang ospital at nag tatrabaho ito ng 20 hour shift sa loob ng isang linggo. Naisipan niyang mag bago ng trabaho at ngayon ay naging parte ng isang grupo ng mga senior citizen na nag hahanap ng tagumpay sa fashion scene ng South Korea.
Ibinahagi ni Choi na nagpasya siyang mag iba ng trabaho pag katapos niyang makakita ng TV commercial na nag hahanap ng mga senior citizen para maging modelo. Pumasok sa kanyang utak na ito talaga ang gusto niyang gawin at dahil dito, nag enroll siya sa iba’t ibang modelling classes. Napili naman siya ng ahensyang The Show Project para maging modelo. Ginawa niyang motibasyon at inspirasyon ang kanyang kalagayan ng kanyang buhay ngayon. Dahil sa pag kakaroon ng mga utang, ang kaniyang sinasahod sa ospital na kanyang pinag tatrabahuhan ay napupunta lamang sa pag babayad ng kanyang mga utang. 

Sa kasamaang palad, ang pagiging mahirap ang kanyang kinalakihan. Lumaki si Choi sa ilalim ng colonial rule ng Japan, ang Korean War at 1997 Asian Financial Crisis ay nangangahulugang lumaki sa hirap. At noong nag ka anak siya, pinilit niyang suportahan ang kanyang dalawang anak dahil inabandona siya ng kanyang asawa. Mula noon, napilitan siyang mag trabaho ng buong oras at isakripisyo ang oras para sa kanyang mga anak. Dagdag pa ni Choi na nagsuot siya ng iisang damit sa loob ng benteng taon.
Dahil sa pag susumikap ni Choi na maging senior citizen fashion model, naka rampa na siya sa Seoul Fashion Week at hindi na bumalik sa pagiging full time sa ospital. Isa rin si Choi sa pinaka respetadong modelo sa Seoul, South Korean. Isa din siyang paboritong modelo ng mga fashion designers dahil sa kaniyang katangian. Isa rito ang kanyang kulay abong buhok na nag pa stand out mula sa ibang modelo. 

+ There are no comments

Add yours