Isang Graduating Architecture Student, Nag-presenta ng Sketch ng Manila Zoo kay Mayor Isko
Si Kevin Sy ay nakapag tapos ng Bachelor of Science in Architecture mula sa University of Sto. Tomas. Siya ay nautusang gumawa ng sketch para sa kanyang thesis proposal para sa planong rehabilitasyon ng Mania Zoo kay Manila Mayor, Isko Moreno. Noong July 8, nag kita ang dalawa at sumang ayon na pagandahin ang Manila Zoo kagaya ng ibang mga zoo sa ibang bansa. Nais nilang isakatuparan ang planong ito sa lalong madaling panahon. Ngunit, wala pang konkretong plano ang nailalapag mula kay Mayor Isko Moreno, ibinahagi ni Kevin na sinusuportahan siya ni Mayor Isko at sinaalang-alang ang kanyang sketch upang gawing batayan sa pag papaganda ng Manila Zoo.
Hangad ng thesis ni Kevin na gawing isa sa mga tanyag na tourist spot ang Manila Zoo. Bukod pa dito, hangad pa ng binata na ito ay mag silbing center of education mula sa iba’t ibang sektor. Nag propose siya ng mga pasilidad na magiging tugma sa mga hayop na mas bukas na layout para ma ramdaman ng mga hayop at mga tao ang malaking espasyo, hindi kagaya ng ibang mga proposal mula sa iba’t ibang arkitekto. Sa Facebook post ni Kevin, ipinaliwanag niya na ang pagpapabuti ng kapaligiran ng Manila Zoo ay kinuha niyang konsepto sa pamamagitan ng pag kausap sa mga staff at pag obserba sa mga hayop.
Ang hangad niya ay maging magandang tourist spot ang Manila Zoo para sa lahat ng bibisita dito, at ipinaliwanag pa niya ito sa kanyang Facebook post: Isa sa pinaka hangad niya na maenhansyo ang buhay ng mga hayop ditto. Hindi lang patungkol ang thesis niya sa pagpapaganda ng Manila Zoo upang bisitahin ng mga turista ngunit para gawan ng magandang kapaligiran ang mga hayop na mararamdaman nila na natural na tirahan ito. Nais niya ding magkaroon ang mga hayop ng pasilidad na maganda at sana naman ay imaintain ito ng pang-matagalan.
Ang dahilan kung bakit naisip ni Kevin pagandahin ang Manila Zoo ay dahil sa mga magagandang memorya niya mula noong bata pa siya. Madaming mga nabuong memorya sa iba’t ibang pamilyang pilipino ang nabuo sa lugar na ito at isa ito sa mga masasayang lugar noong mga nakaraang taon at hindi niya kayang makita itong masira. Ito ang naging dahilan niya upang buhayin ang ganda ng Manila Zoo. Nakita ni Mayor Isko ang kanyang mga gawang disenyo at ginawa ito bilang batayan sa pag papaganda ng Manila Zoo.
+ There are no comments
Add yours