Isang Photographer, Kinunan Bilang Subject ang Pulubi at Nagulat Ito ng Makita na Ito Pala ang Kaniyang Nawawalang Ama!
Naging mahirap ang buhay sa isang Korean American photographer na si Diana Kim. Nag hiwalay ang kanyang mga magulang noong limang taong gulang pa lamang siya at simula noon ay hindi na niya nakita ang kanyang ama. Sinubukan niya itong hanapin sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan ngunit naging mailap ang tadhana upang matagpuan ang kanyang ama. Noong kumukuha siya ng mga litrato ng mga pulubi, ay doon niya na pagtanto na ang lalaking iyon pala ay ang kanyang amang hinahanap.
Isang tanyag na photographer si Diana Kim. At ang kanyang paburitong kunan na ginagawa niyang subject ay ang mga pulubi dahil sa tingin niya, ay maiuugnay niya ang kanyang mga karanasan noong bata pa lamang siya. Ayon sa kanya, nararamdaman niya ang mga paghihirap kahit saang angulo. Alam niya ang pakiramdam ng kalimutan at abandunahin. Alam din niya ang pakiramdam ng hindi stable ang buhay at walang yaman dahil naranasan niya ito lahat.
Hindi niya inakala na mahahanap niya ang kanyang ama habang kinukunan ng larawan ang mga pulubi. Nakita niya ang kanyang ama sa daan na mag isa at madungis at dahil dito hindi niya ito namukaan. Nalaman na lamang niya na ang kanyang ama ay nakatira sa lansangan ng ilang taon at dumaranas ng isang kondisyon. Dahil dito, naging determinado si Diana Kim na hinding hindi na niya hahayaan mawala ang kanyang ama. At sa kabila ng kalagayan ng kanyang ama, hindi siya nawawalan ng pag asa na balang araw ay magkikita sila ng kanyang ama.
Dahil walang mag aalaga sa kanyang ama, sinakripisyo niya ang kanyang trabaho para bantayan ito. Kinuha na rin ni Diana Kim ang pag kakataon upang mas lalong makilala ang kanyang ama. Dahil na rin sa tulong ni Diana, naka recover na ang kanyang ama sa kanyang kalagayan at masaya sa piling ng isa’t isa. Masaya si Diana Kim at ang kanyang ama na natagpuan nila ang isa’t isa at masayang lumilikha ng bagong mga ala ala.
+ There are no comments
Add yours