Kilalanin ang 96 Year Old na Lola na Nagmomodel Pa rin Hanggang Ngayon!





Karamihan sa atin ay takot na tumanda agad dahil alam nating kasabay ng pagtanda ay ang pagkonti ng mga bagay na maari nating magawa. Kaya naman habang bata pa lamang at malakas pa ang pangangatawan ay ginagawa na natin ang lahat para makamit ang ating mga pangarap. Ngunit kakaiba ang isang matandang babaeng ito na naging viral sa interet matapos niyang patunayan na hindi hadlang ang edad para sumubok ka ng mga bagong bagay. 
Siya ay nakilala bilang si Alice Pang, kasalukuyang 96 taong gulang at isang modelo ng mga kilalang kompanya na nagtitinda ng mamahaling mga gamit kagaya na lang ng Gucci, Ellery at Valentino. Sa isang panayam sa kaniya ng YiTao, ibinahagi ni Alice kung papaano siya nakapasok sa industriya ng pag-momodelo. 


Ayon sa kaniya, kahit noong kabataan niya ay hindi niya pinangarap na maging modelo ngunit noong siya ay 65-taong gulang na, nabanggit ng kaniyang apo na may isang kompanya ang naghahanap ng babaeng modelo na kasing edad niya pataas. Ayaw niya sanang mag-audition ng mga panahong iyon pero dahil na rin sa kagustuhan ng kaniyang apo ay sinubukan niya ang kaniyang kapalaran at nagpasa ng ilang larawan sa nasabing kompanya. Nagulat nalang siya ng isang araw ay biglang may tumawag sa kanilang telepono at sinabing tanggap siya bilang isang modelo. 



Masaya si Alice sa mabuting balita at agad na nagtungo sa opisina ng nasabing kompanya para sa mga training na kailangan niyang gawin. Habang tumatagal ay mas lalo siyang gumagaling sa pagmomodelo at napamahal na rin sa bago niyang karera sa buhay. 


“I gradually developed an interest in modeling and got better at it,” pahayag ni Alice. 




Sa kasalukuyan ay halos mahigit tatlong taon na rin si Alice sa mundo ng pagmomodelo at hindi maiiwasan na magkaroon ng mga taong sinusubukan siyang hilahin pababa ngunit nanatili siyang masiyahin at hinayaan nalang ang masasamang salita ng iba para maging kaniyang inspirasyon na mas lalo pang gumawa pa ng mabubuting bagay. 


“I just ignore them. “I am happy with my life, just following my heart. What others think does not bother me. It’s fine.” 
Saludo kami sayo Alice! Isa kang magandang ehemplo sa mga kababaihan at lalo na sa mga nawawalan ng pag-asa na mayroong nakalaang magandang bagay sa kanilang hinaharap.

+ There are no comments

Add yours