Lalaki na Taga-Bulacan, Gumamit ng Softdrinks Para sa Pag-Banyo Dahil sa Kakulangan ng Tubig
Ang ating bansa ay nakakaranas ng problema sa tubig kamakailan lamang. Maraming mga pilipino ang naiinip kung kailan ba ito maayos ng ating gobyerno! Ang ating Angat Dam ay nasa kritikal na lebel ng tubig at dahil dito, kinailangan tipirin ang tubig upang maiwasan itong matuyot at naging problema ang pag kakaroon ng suplay ng tubig sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila.
Isa ang San Jose Del Monte, Bulacan ang naapektuhan ng water shortage. Ayon sa mga residente, ilang araw na silang na momroblema sa suplay ng tubig sa kanilang lugar. Dahil sa pag kakaroon ng walang opsyon, madami ang humanap ng paraan upang solusyunan ang kanilang mga problema sa tubig. Isang Facebook netizen na nag ngangalang Carlos Delos Santos ang nag bahagi ng video na nag trending sa buong social media. Makikitang nag bubukas ang isang lalaking na nag ngangalang Orlando ng ilang bote ng sofdrinks upang ilagay sa batya. Ayon sa kanya, ang lemon drinks na kanyang binuksan ay gagamitin nila para sa kanilang kubeta kapalit ng pag kawala ng tubig.
Dahil sa kakulangan sa tubig, maraming mga tao ang nag mamakaawa na sa dalawang malalaking mga kumpanya ng tubig na ibalik na ang serbisyo ng tubig dahil tatlong araw na silang nahihirapang kumilos dahil wala silang tubig sa kanilang mga bahay. Noong mapuno na ng softdrinks ang batya ni Orlando, dali dali siyang pumunta sa kubeta habang nag bibiro pa ito. Sa kabila ng kanyang problema sa tubig, maraming mga netizens ang natuwa sa kanya. Maraming mga netizens ang sumakay sa joke ni Orlando habang sinasabing ipalit nalang nila ang kanilang tubig sa kanyang soft drinks.
Nag anunsyo ang Philippine Atmosphere Geophysical and Astronaut Services Administration (PAGASA) na ang ating bansa ay makakaranas na ng pag ulan. Dahil dito, maari ng maibalik ang lebel ng tubig sa Angat Dam at ito na marahil ang maging sagot para bumalik sa dati ang daloy ng tubig sa iba’t ibang parte ng Metro Manila at mga probinsya. Maraming tao ang umaasa na sana ay hindi na nila ulit maranasan ang pag kawala ng tubig dahil sa ulan ng mga nakaraang araw.
+ There are no comments
Add yours