Lalaki, Tinupad Ang Dream House Ng Kanyang Ama Na Matagal Ng Pinapangarap
Lahat siguro tayo ay may pangarap na bahay o dream house. Sino ba naman ang ayaw tumira sa magandang bahay na masasabi mo ring iyo.
Ibinahagi ng isang netizen na si Randy N. Oliverio na taga San Antonio, Northern Samar ang nakakainspire niyang istorya tungkol sa pagpapagawa ng dream house ng kanyang ama.
Noon ay nakatira lamang ang kanilang pamilya sa isang kubo. At tuwing umuulan ay pinoproblema nila ito dahil madami ang tumutulo sa kanilang bubong. At dumating ang isang araw na nakita niya ang kanyang ama na gumagawa ng plano para sa isang 2-storey house na may terrace.
Noong nakapagtrabaho si Randy sa Maynila bilang isang Property Specialist ay sinimulan niyang ipagawa ang dream house ng kanyang ama na talagang matagal na nitong pinapangarap.
Noong nalaman ito ng ilan sa kanyang mga katrabaho ay dini-discourage siya dahil hindi raw magandang investment ang bahay dahil wala namang makukuhang kita rito. Sana ay nag-invest na lamang raw sana siya sa business na kung saan mas mapapakinabangan ang kanyang pera.
Ngunit mas nangibabaw ang kagustuhan niyang maipatayo ang bahay na pangarap ng kanyang ama at makita ang mga ngiti ng kanyang magulang.
Batid niya na noong bata pa lang siya ay pangarap na iyon ng kanyang ama para sa kanilang pamilya. Ang bahay na may dalawang palapag na mayroong terrace.
“Pangarap talaga ng papa ko na maging two story na may terrace ang bahay namin na tinitirahan na minana pa niya sa magulang niya. Bata pa lang ako lagi ko nakikita papa ko na gumagawa ng blueprint ng dream house niya. Siguro mga 3 beses ko siya nakita na gumagawa ng layout sa dream house niya. And praise God ang pangarap ng papa ko noon hindi na lang sa drawing kasi naging makatotohanan na. Nakulayan din sa wakas!”
Dagdag pa niya, na sino ang mag-aakala na ang mga biruan lang nila noon na mga pangarap ay magiging totoo. At tuwing may bagyo ay hindi na sila mamo-mroblema na maraming tumutulo sa knailang bubong.
+ There are no comments
Add yours