Loob Ng Pampasaherong Jeep Naka-Tiles, Kinagiliwan Ng Mga Netizens



Nauso na sa mga bahay, gusali, o iba pang establisyemento ngayon ang nagpapalagay ng tiles. Ito kasi ay nakakadagdag kagandahan at nagmumukhang malinis lalo na pa’t madali lang lampasuhin ang sahig kung ito ay naka-tiles. 
Ngunit hindi lamang pala sa gusali maaaring ilagay ang mga ito. Nakakapanibagong makakita ng isang pampublikong sasakyan na ang loob nito ay naka-tiles. 
Naging usap-usapan sa social media ang isang pampublikong jeep na naka-tiles ang sahig. Sa Facebook post na ibinahagi ng isang netizen na nakilala bilang si Mico Gabriel, tila maging siya ay namangha ng masakyan niya ang jeep na ito. 
Ayon sa kanyang post caption: “Ong toroy [Ang taray] may tiles pa si manong jeep.” 

Karaniwan sa mga jeep na pampubliko, ang mga sahig nito ay gawa sa steel. Pero kung titignan nga ng mabuti ang jeep na ito ay kulay puti ang mga tiles na nakalagay sa sahig. Talagang nakakapanibago at nakakaaliw makakita ng kakaiba sa isang public vehicle.

Wika ng isang netizen, “Ang sosyal namang sumakay sa jeep na ito! Magkano naman kaya ang pamasahe? Same din ba sa sahig na steel?!”

Nabansagan rin ang jeep na. “Yayamanin jeepney” dahil nga mahal rin ang magpalagay ng tiles.

Ayon sa nagbahagi ng larawan na si Mico, ay totoo daw talaga itong nakatiles. At ang jeep ay bumabyahe sa may Molino- SM City Bacoor route.

Ngunit sa kabilang palad ay mayroon ding netizens na nabahala dahil paano na lang daw kapag umuulan ay posibleng madulas ang mga pasaherong bumababa at sumasakay lalo na’t madulas tapakan ang tiles kapag ito ay nabasa at baka pwede pa raw itong magdulot ng pagkadulas o aks!dente.

Dagdag pa ng isang netizen na nakakaragdag lang daw ng bigat ang paglalagay ng tiles sa loob ng sasakyan. At kapag mabigat ang dala ng sasakyan ay mas may pwersa ito para kumonsumo ng mas maraming gasolina. 

+ There are no comments

Add yours