Manila Traffic Enforcer, Nag-Viral sa Facebook Matapos Manatili sa Pwesto ng Trabaho Habang Umuulan


Palaging nakakaranas ang ating bansa ng malalang pag baha lalo na sa Metro Manila habang tag ulan. At dahil dito, maraming mga pinoy ang nakasayanan na ito at sinasabing normal na lamang ito para sa kanila. Dahil dito isang traffic enforcer sa Manila ang nag viral noong hindi niya iniwan ang kanyang pwesto para tulungan ang mga motorista habang umuulan ng malakas at bumabaha sa lugar.
Isang netizen na nagngangalang Gel Mariano ang dumadaan sa Taft Aveue sa Malate Manila noong nakita niyang may isang traffic enforcer ang nakatayo sa gitna ng kalsada. Ang mas kinabiliban niya ay kahit na ang lakas ng ulan at ang kanyang legs ay nakababad sa baha, hindi umalis ang traffic enforcer sa kanyang pwesto upang gabayan ang mga motorista. Dahil sa mga alon na ng gagaling sa mga dumadaan na sasakyan, nabasa ang kanyang uniporme, ngunit hindi natinag ang ang traffic enforcer para mapaluwag ang traffic sa Taft Avenue.

Ang traffic enforcer pala na ito ay si Gilbert Bautista ng Manila Traffic and Parking Bureau. Ayon sa Facebook post ni Mariano, nakuhanan niya si Bautista noong August 2 nung Friday. Dahil madami ang humanga kay Bautista, mabilis kumalat ang post ni Mariano sa social media. Maraming mga netizens ang nag pahayag ng pag hanga kay Bautista. Marami din ang nag nag mungkahi na dapat ay nag suot siya ng kapote at bota para hindi siya nabasa ng ulan. Marami din ang nag komento na dapat bigyan ng gobyerno ang mga traffic enforcer ng bota at kapote para hindi sila mabasa ng ulan habang sila ay nag tatrabaho.
Nakadating ang post ni Mariano kay Mayor Isko Moreno at sinabi na nagpapasalamta siya dahil mayoon mga kagaya niya.  Ipinangako din ni Mayor Isko na titignan niya ang mga kailangan ng mga traffic enforcers at iba pang mang gagawa sa Maynila. Bagamat inamin niya na hindi agad-agad ito mabibigay dahil kelangan pa nito dumaan sa wastong proseso.

+ There are no comments

Add yours