Maymay Entrata, Bumili ng Bahay sa Japan Para sa Kaniyang Ina Bilang Regalo Dito
Si Mary Dale Entrata ay ipinanganak noong Mayo 6, 1997 sa Mambajao, Camiguin, siya ay isang artista, komedyante at modelo. Kilala siya bilang itinanghal na nanalo sa Pinoy Big Brother: Lucky 7, kabilang sina Kisses Delavin at Edward Barber. Siya ang pinakamatagal na babae na nanatili sa bahay ni kuya, tumagal sya ng siyam na buwan. Mula ng Manalo siya sa serye ng Big Brother, marami na siyang mga naging proyekto sa mundo ng showbiz.
Isa siya ngayon sa pinakasikat na bagong mukha sa mundo ng showbiz na kadalasan ay laman ng mga balita. Ngunit bukot sa kaniyang tagumpay, maraming nagbago din sa buhay ni Maymay. Kasama na ditto ang mga investment niya para sa kaniyang pamilya lalo na para sa kaniyang ina na nakatira at nagtratrabaho sa Japan. Ayon kay Maymay, 28 years na sila nagrerent ng bahay sa Japan para sa kaniyang ina.
Naiyak siya ng maisip niya at makita niya ang itsura na nito ngayon. Dagdag pa ni Maymay mahal kasi ang renta doon sa bansang Japan. Ngayon ay naiiyak siya dahil nakamit na niya ang magkaroon ng sariling bahay doon. Masaya ang kaniyang kapatid at mga magulang dahil sa kaniyang nagawa. Ayon pa kay Maymay nagpapatayo din ito ng kaniyang bahay para sa pamilya niya sa Camiguin.
Sadyang matulungin talaga si Maymay at naisipan pang bilhan ang kaniyang pinsan ng tricycle upang magamit. Isa pang hindi niya inaasahan ay ang pagkakaroon ng sasakyan na hindi niya inakala na kasama ito para sa kaniyang mga endorsement contracts. Sa ngayon kilala siya bilang on-screen GF ni Edward Barber na naging kasama din niya sa loob ng bahay ni kuya.
+ There are no comments
Add yours