Nagbigay ng Tulong na Pera ang Good Samaritan na Ito sa Isang Buntis na Papunta sa 0spital Bilang Tulong Dahil Nakita Niyang Kapos Ito!
Madalas nating marinig mula sa ating mga magulang ang payo na huwag tayong basta-basta makikipag-usap sa mga tao na hindi natin ganoon kakilala. Ito ay para na rin masiguro ang ating kaligtasan at huwag tayong mapahamak. Ngunit kamakailan lang ay isang estranghero ang nagpatunay na hindi lahat ng taong hindi natin kilala ay may masamang intensiyon sa atin. Ang ilan sa kanila ay handang tumulong sa ating mga pangangailangan nang walang pinipiling kapalit.
Ang pangyayaring ito ay naibahagi sa social media ng isang netizen na nagngangalang Khen Pili. Ayon sa kaniya, nakasakay siya noon sa jeep nang mapansin ang isang bata na iyak ng iyak. Sinusubukan itong patigilin ng kaniyang ina ngunit kahit anong gawin nito ay walang epekto sa batang gutom at humihingi ng pagkain. Kasama din ng mag-ina ang padre de pamilya na siyang may dala ng kanilang mga gamit.
Maya-maya pa ay nakita ni Khen na isang lalaki ang nag-abot ng 500 pesos sa mag-ina pambili ng pagkain ngunit hindi ito agad napansin ng babae dahil abala siya sa pagpapatahan sa bata.
Nang mapansin ng babae ang alok ng lalaking ito ay nagulat siya sa hindi inaasahang ginawa nito at agad nagpasalamat. Naikwento nitong buntis siya at papunta sila ngayon sa hospital dahil malapit na siyang manganak.
Dahil nga dito ay mas lalo pang nahabag ang lalaki sa sitwasyon ng mag-anak kaya naman dinagdagan niya ng 1000 pesos ang pera na ibinigay sa babae. Abot-langit naman ang pagpapasalamat ng mag-asawa dahil malaking tulong ito sa mga gastusin sa hospital.
Hindi dito nahinto ang pag-alok ng tulong ng lalaki dahil ibinigay niya rin ang numero ng kaniyang telepono upang nang sa ganoon ay matawagan siya ng pamilya sakaling kailanganin pa nila ng tulong pinansiyal para sa panganganak ng babae.
Hindi halos makapaniwala si Khen sa kaniyang nasaksihan kaya naman minabuti niyang ibahagi ito sa social media upang makita na rin ng mga netizens na hanggang ngayon ay mayroon paring mga taong tinatawag na “ The Good Samaritan” na unang nakilala sa kwento sa Bibliya.
+ There are no comments
Add yours