Netizens Naawa At Tinulungan Ang Isang Vendor Na Na-impound Ang Motor Na Ginagamit Niyang Panghanap-buhay



Mayroong mga taong lumalabas sa batas. At dahil doon ay kailangan nilang dumaan sa iba’t ibang mga sanctions at penalties. Walang pinapaboran ang batas, kapag lumabag ka dapat ay panagutan mo ito. 
Isang vendor na nakilala bilang si Tatay Ruel ay lumabag sa batas na driving without a license at iba pang violations kaya nauwi sa pagkaka-impound ang kanyang motorsiklo na ginagamit rin niya upang siya ay maghanap buhay. Kaya maging ang kanyang mga panindang tinapay ay naidala sa PNP Sibulan police station.
Alam ng vendor na lumabag siya sa batas na pagmamaneho na walang lisensya ngunit kaya niya nagawa iyon ay dahil wala siyang pera para kumuha nito lalo na’t siya lang ang naghahanap buhay sa kanilang pamilya. Bahagi rin niya na kakapanganak lang rin ng kanyang asawa. Sa sinapit niyang ito ay napaiyak na lamang ang lalaki.
Noong malaman ng mga netizens ang naging sitwasyon ni Tatay Ruel ay nagbigay sila ng tulong at binili ang mga panindang tinapay hanggang maubos ito. 
Ngunit hindi pa rin sapat ang perang ito upang muli niyang matubos ang kanyang motorsiklo na parte sa kanyang paghahanap-buhay at para mabayaran ang mga kanyang penalties at makakuha ng lisensya. 
Nang magviral ang post niya tungkol dito, ay mas lalong dumami ang mga netizens na nais siyang tulungan. Isang rider’s association sa Mindanao ay sumagot na kung saan matatagpuan ang vendor upang matulungan siya na maparehistro ang kanyang motorsiklo at makakuha ng lisensya para makabalik siya sa pagtatrabaho.

“Sir good day!
I am Jhae of Charity Riders for one Mindanao, it came to my attention when my wife tagged me about this tatay who crossed my timeline early today. May I ask where I can reach this tatay and what police station or HPG station so we can talk to the chief of hpg so we can pay the penalties and help tatay register his motorcycle and help him back on the road for his daily living.”

Samantala, iba-iba rin ang naging reaksyon ng mga netizens tungkol dito. May sumang-ayon na ang batas at batas, ngunit mayroong nangibabaw ang pagka-awa sa estado sa buhay ng vendor. 
“Sometimes we don’t need to apply the law, sometimes we need to apply Humanity.”

“Sometimes doing the right thing isn’t always the right thing to do.”

“Ignorance of the law excuse no one. And no one is above the law.”

1 comment

Add yours
  1. 1
    Unknown

    Through hardship in life sometimes people commit crimes but we too must be considerate to the police who just implemented the law.. They are just trying their best for us netizens to be a law abiding people and at the same a human trying to be a good

    example to others..PNP we heal as one
    PNP Fight asOne
    PNP may malasakit
    PNp maasahan
    PNP good deeds

+ Leave a Comment