Online Seller, Nakapag-patayo ng Bahay Mula sa Limang Taon na Business


Ang online selling ay naging trend na sa pag tatayo ng mga negosyo. Kasama ng tiyaga at sipag, sinuman ay pwedeng maging matagumpay sa larangan na ito. Sa panahon ngayon, maraming mga tao ang dumedepende at bumibili sa mga online shop dahil sa pagiging convenient nito. Kaya naman mataas talaga ang tiyansa na malaki ang kitain dito. Kaya naman tignan natin ang isang matagumpay na istorya ng isang netizen sa kanyang pag bebenta online.
Isang online seller sa Facebook na nag ngangalang Car Li Ta ang nag bahagi ng kanyang istorya sa pagiging online seller. Nag post siya ng mga larawan ng kanyang bagong tayong bahay na kung saan inipon niya ng limang taon. Dahil sa pagiging matiyaga at madiskarte nilang mag asawa, may bahay na rin silang matatawag na sa kanila. Itinuring ni Car Li Ta ang bahay na ito bilang birthday gift para sa kanyang sarili bilang siya ay nabansagan bilang “babaeng walang pahinga” dahil sa pag bebenta ng mga ready to wear na mga damit online.

Naalala pa niya kung gaano kahirap ang kanilang buhay noong mga nakaraang taon na kung saan naranasan nila ang pagkabigo, ma-stress, problema sa pera, at minsan pa ay sasabayan pa ng emotional breakdown. Hanggang sa nag bukas ng pinto at bintana ng oportunidad at grasya para sa kanyang pamilya. Labis na pasasalamat ni Car Li Ta sa panginoon dahil sa mga grasyang kanilang natanggap sa pamamgitan ng online selling. 
Nag-bigay ng inspirasyon si Car Li Ta sa mga online sellers at hingid niya na ang kanyang storya ay maging patunay na may makakamit ang isang tao kung maging masipag ito at manalig sa diyos. Nag bahagi pa ng pahabol na mensahe ang successful na tinder na kung saan ay pinaalala niya na lagging itapak ang mga paa sa lupa. Isa lang pala ang bagong tayong bahay na ito ang naging achievement ni Car Li Ta at ng kanyang asawa sa pamamagitan ng online selling! Ayon sa kanya, dadaami pa ito dahil titiyakin nilang mag asawa na mas lalo silang mag sisipag at mag titiwala sa panginoon!

+ There are no comments

Add yours