Soon-to-be Dad Ginawan Ng Playhouse Ang Kanyang Anak Na Gawa Sa Instant Noodles



Bilang mga first-time parent ay talagang nakaka-excite hintayin ang araw hanggang maisilang ang iyong anak. At sa mga panahong ito ay talagang todong paghahanda ang ginagawa ng mga baguhang mga magulang. 
Katulad na lang ng Chinese soon-to-be dad na ito na taga Jilin, Northeast China na sabik na sabik na sa pagsilang ng kanyang magiging anak. 
At bilang isa sa mga paghahanda ay nakagawa siya ng isang playhouse para sa kanyang magiging anak. Ngunit hindi lang ito basta ordinaryong playhouse kundi gawa ito sa instant noodles.
Ibinahagi ng People’s Daily, China sa kanilang Twitter account ang caption na,
“What a talented dad! Mr. Zhang from NE China’s Jilin built his unborn child a “dream house” with 2,000 instant noodle. Isn’t it both cozy and yummy?”

Ang naturang bahay ay mula sa mga expired na instant noodles na nahingi ni Mr. Zhang sa isang kaibigan na food wholesaler na nag-imbentaryo.
Paliwanag ng lalaki na sinort out ng kanyang kaibigan ang mga noodles na naexpired na. Ngunit nanghinayang siya na imbes na itatapon na lang sana ang mga ito ay hiningi na lang niya at iniuwi. 
Sa kanyang pagiging malikhain ay pinagdikit-dikit niya ang mga noodles hanggang makabuo siya ng isang bahay palaruan. 
Ang “instant noodle cabin” ay mayroong total area na 4 square meter at  maaaring makapag-accomodate ng isang single bed para sa isang adult. Mayroon din itong mga bintana upang makapasok ang hangin at liwanag. 

Kaya naman tiyak na kapag lumaki na ang kanyang anak ay matutuwa ito dahil mayroon siyang bahay-bahayan. 
Iyon nga lang, ang ipinangangamba ng mga netizens ay baka di magtagal ay kainin ito ng mga daga lalo na pa’t gawa sa pagkain ito. Pwede rin daw itong maging pangamba sa kalusugan ng kanyang  magiging anak dahil kapag tumagal ay magkakaroon ng amag ang mga ito. 
Ngunit ilang netizen ay pinuri pa rin ang lalaki sa pagiging malikhain at unique. 

+ There are no comments

Add yours