Viral Ang Isang Guro Na Bigay Todo Sa Sayaw Habang Gina-Guide Ang Kanyang Mga Preschool Students



Ang pinaka-challenging siguro na trabaho ng isang guro ay maging isang pre-school teacher. Dahil masyado pang bata ang mga estudyante, minsan ay madaling mawala ang kanilang atensyon kaya kailangan talaga ng todo effort para lang makinig sayo ang mga bata. 
Kaya naman pagdating sa school activity or program, talagang dapat ay ibigay mo ang iyong best para maturuan ang mga bata na kumanta at sumayaw ng sabay-sabay. Kadalasan sa mga ganito ay nasa harapan ang kanilang guro habang gina-guide sila sa pagperform.

Katulad na lamang ng isang preschool teacher na ito sa Cotabato City Central Pilot School (CCCPS) na nakilala bilang si Teacher Eden Jurane dahil ibinahagi ng kanyang kasamahan ang video ng nasabing guro na todo bigay sa pagsayaw habang nagpeperform ang kanyang mga estudyante. 
Ipinagdiriwang kasi sa kanilang eskwelahan ang buwan ng wika noong Agosto at nagkaroon sila ng isang Kindergarten Talents Unlimited Contest na kung saan ang mga bata ay kakanta at sasayaw. 
Ang nag-share ng video na si Juliet Tomo ay naglagay ng caption na, “Ganito ang kindergarten teacher! Peace yow! Ma’am Eden Jurane” dahil natuwa siya sa bigay todong effort ng nasabing guro.

At sa isang video naman ay makikita rin ang kanyang mga cute na cute na estudyante na mukhang nag-eenjoy naman habang nagpeperform dahil kino-kopya nila ang paggalaw ng kanilang teacher na nasa kanilang harapan. 
At sa huli ay nagbunga naman ang effort ng guro pati na rin ang kanyang mga estudyante dahil nanalo sila ng first place sa Sabayang Pag-awit. 

Noong mai-post ang video ay agad naman itong pumatok sa mga netizens at hinangaan ang guro dahil sa kanyang todo effort upang maturuan ang kanyang mga estudyante. At ang nakakatuwa pa rito bukod sila ang nanalong best performance ay nanalo pa ang kanyang mga estudyante ng tatlo pang awards sa iba’t ibang kategorya. 
Kung mayroon lang contest sa best performance ng mga guro ay tiyak na si Teacher Jurane rin ang mananalo dito.
Panuorin ang kanilang video.

Source: Facebook/Eden JuraneFacebook/Juliet Tomo

+ There are no comments

Add yours