Damong Makahiya Ibinebenta Sa Ibang Bansa Sa Halagang Php400
Dito sa Pilipinas ay napakarami nating mga halaman na kadalasan ay makikita lamang sa mga bakuran na nagtataglay ng napakaraming mga benepisyo tulad na lamang ng malunggay, bayabas at ang damong ligaw na makahiya.
Kadalasan ay nakikita lang ang makahiya sa mga tabi tabi ng daan. Noong ay pinaglalaruan ito ng mga bata dahil kapag hinawakan ang dahon nito ay titiklop ito.
Ngunit sa ibang bansa tulad ng sa Canada ay ipinagbebenta pala ang halaman na ito sa halagang Php400!
Naging viral ang post sa social media ng netizen na si Than-Than Javier ng malaman niyang ipinagbebenta sa ibang bansa sa isang pet shop ang damong ligaw na ito. Narito ang kanyang post.
“They are selling sensitive (makahiya) plant in pet shop here and it cost 7.99$ that’s almost 400 pesos… damo lang sa amin yan e.”
Dahil dito, maraming netizens ang nagnais na magbenta na lang ng makahiya dahil kung sa ganitong halaga ay binibili ito ay tiyak na kikita ka. Narito ang ilang komento ng mga netizens.
“Benta na lang tayo ng ganito.”
“Medicinal plant kasi yan kung hindi niyo alam kaya may halaga.”
“Ang dami niyan sa likod ng bahay namin.”
“This will happen soon enough pag naubos na sa mining ang kalikasan natin, na kahit maliit na puno worth a price na kasi wala na tayong fresh air na mahihingahan.”
Isang netizen ang nagkomento naman sa bansang Portugal ay ibinebenta doon ng 15 euros o nasa halagang Php 960!
Ang halaman na makahiya ay ginagamit bilang isang herbal medicine sa panggagamot. Ipinaiinom ito sa taong may karamdaman tulad ng dysmenorrhea, ubo, hika, almoranas, diabetes. Ginagawa rin itong pampahid sa mga pasa at sugat.
Maaaring hindi natin pinapahalagahan ang mga halaman tulad ng makahiya dahil kung saan-saan lang naman natin sila nakikita. Pero kung bibigyan talaga natin ng atensyon ay tiyak na marami itong matutulungan sa mga taong may karamdaman.
Wow…andami sa pilipinas niyan. Problema nga kong paanong patayin?
Marami kay dto yan sa davao
Wow, galing nmn ng naka discover nito. Kung Alam lang natin dina kilangan hospital.
Marami pa yatang herbal makapaligid sa atin pero di natin alam.
Kaya kung alam lang natin, subrang yaman ng pinas.
Dhl lht ng itatanim natin ay nabubuhay.
Thanks God
Pero paanu ito mabebenta kung sakaling ang ibang tao ay ibebenta ito pero saan banda? San banda? ?
paano gamitin
Paanu ba ibenta yan para mabinta tung nsa bakuran nmin ang dami e
Pano nman ibibenta?
Bumibili po ako ng makahiya, kaso dapat hindi mahiyain
Nilalaro ko mga halaman yan, masaya sila hawakan hehehe…