Ibinahagi ni Dra. Vicki Belo ang Sikreto at Ilang Beauty Tips na Dapat Sundin Bago mag 40


Isa sa talaga namang pinagkakatiwalaan pagdating sa pangangalaga ng ating pisikal na kagandahan ay ang mga doktor na kagaya ni Dr. Viki Belo. Nakapagtapos siya ng kursong medical sa Pilipinas at nagpakadaluhasa pa sa larangan ng medisina sa bansang Thailand.  

Sa kasalukuyan ay isa siyang dermatologist at may-ari ng Belo Medical Group na siyang madalas puntahan ng mga kilalang personalidad at artista para mapanatiling maganda ang kanilang kutis. May kamahalan ang pagpapakonsulta sa naturang klinika kaya naman kung nais mong makatipid ay narito ang ilang beauty tips na ibinahagi mismo ni Dr. Vicki sa panayam sa kaniya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) habang siya ay nasa Belo Beauty Suite na matatagpuan sa Makati Shangri-La Hotel.

1. Bawasan o iwasan ang paggamit ng moisturizer  

Naging kasanayan na ng karamihan sa mga kababaihan ang pagsama ng moisturizer sa kanilang pangaraw-araw na ritwal sa paglilinis at pananatiling maganda ng kanilang balat. Ayon kay Dr. Vicki, ito ay hindi na kinakailangang gamitin pa sa ating mukha at mas kapaki-pakinabang kung ilalagay ito sa ibang parte ng ating katawan na madalas manuyot kagaya ng siko at tuhod.

“I do not believe in it. I think it is a band-aid. You just make yourself feel a little smoother. But it doesn’t do anything for your face,” pahayag ng doktora.

Sa halip na gumamit nito ay mas mainam na mag-scub ng mukha upang matanggal ang mga dumi at ‘dead skin’ na siyang nagdudulot ng pagkulubot ng balat.

“What you want is to take it off… underneath the dead skin is nice nice.” 

2. Panatilihing malusog ang ating katawan

 Isa pa sa mga payo ng doktora ay ang pagpili ng mga pagkain na makakatulong upang mapanatiling malusog ang ating katawan partikular na ang ating balat. Isa ang kimchi sa kaniyang mga nabanggit na pagkain dahil ito raw ay makatutulong sa pagbuo ng tinatawag na ‘collagen’ na siyang mabisa para maging makinis at malambot ang ating balat.

“Kimchi is a good way. To do it. It’s not because it creates collagen, but it does create a good bacterial environment in your gut that helps with the formation of collagen.” 

Ang mamahaling isda kagaya ng salmon at cod ay mayroong omega-3 fatty acids at omega-6 na siyang maganda din sa ating katawan. Syempre hindi pwedeng mawala ang tubig sa ating diet lalo na at malaki ang nagagawa nito para mailabas ang mga dumi sa ating katawan.

3. Wastong oras ng pagtulog

Habang tayo ay tumatanda, paikli ng paikli na rin ang nagiging oras natin sa pagtulog lalo na kung abala tayo sa pagtatrabaho. Kaya naman binigyang diin ito ng doktora lalo na at mahalaga sa kabuuan ng ating kalusukan ang wastong oras ng pagtulog. Ayon pa sa doktora, mainam na bantayan ang oras ng tulog dahil mayroon ding oras ang paglabas ng mga ‘enzymes’ na siyang nag-aayos ng mga ‘cells’ sa ating katawan. 

“Usually 8 to 9 p.m. you should be ready to sleep. It’s more important the time you sleep than how many hours of sleep, although of course 7 to 8 hours is really a good number.”

4. Maging ang posisyon ng pagtulog ay pinuna rin niya at pinayuhan ang mga kababaihan naatulog ng nakatihaya upang hindi kumulubot ang balat sa magkabilaang pisngi.

“If you sleep at night and you are always on your right side, by 40, halata na yung right side is older than your left. It’s the pressure on one side of the face, so you have to sleep looking up the sky.”

+ There are no comments

Add yours