Mga Mag-aaral sa Nueva Ecija Umani ng Papuri sa Paggamit ng Barbeque Sticks sa Kanilang Proyekto


Nag-viral ngayon sa social media ang mga mag-aaral sa Nueva Ecija matapos silang makalikha ng napakaganda at kamangha-manghang mga architectural landmarks gamit lamang ang mga barbeque sticks. Ang mga mag-aaral na ito ay mula sa kurso ng Arkitektura sa Nueva Ecija University of Science and Technology.  Pinangunahan ni Angelo Angulo ang proyekto na ito bilang mga scale models ng iba’t-ibang architectural landmarks. Ayon kay Angelo, bahagi ng kanilang klase sa Visual Technique 3 ang nasabing proyekto.
Ilan sa mga nakakamanghang likha ng mga estudyante ay ang Eiffel Tower ng Paris, Arc de Triomphe at ang Burj Al Arab ng Dubai. Kabilang din ang Empire State ng New York at Big Ben ng London dito. Marmaing mga netizens ang humanga sa kanilang mga likha at umani ng sobrang papuri dahil sa pambihirang proyekto na ito. Kung titignan mabuti, kinakailangan ng sipag at tiyaga sa paggawa nito dahil mabusisi ang bawat detalye ng mga architectural landmarks na ito.

Ayon sa mga netizens, talagang napaka malikhain ng mga pinoy pagdating sa mga bagay bagay. Hinangaan din nila ang guro ng mga estudyante dahil sa kakaibang proyekto na binigay nito sa mga mag-aaral. Tunay na mahusay at magaling ang kanilang mga kamay dahil sa angking hirap nito kung iisipin. Ngunit mayroon paring mga batikos ang narinig mula sa mga netizens sa kadahilanan na bakit walang simbolo ng Pilipinas ang ginawa ng mga estudyante.
Ngunit ayon sa mga estudyante, maraming mga Philippine landmarks din naman ang kanilang nilikha. Hindi nga lang ito nakuhanan ng larawan dahil nasa opisina na raw ng guro ang mga ito. Ngunit sa kabila nito, tunay parin na hindi aakalain ng kung sino na maaring makalikha pala ng mga ganitong bagay gamit lamang ang barbeque sticks. Kaya naman talagang hindi nakakapagtaka na umani ng papuri ang mga mag-aaral ng NEUST.

+ There are no comments

Add yours