Nagbigay Ng Babala Ang Isang Netizen Sa Mga Gumagamit Ng Mga Stove Na May Glass Top



Ang pagkakaroon ng maayos at ligtas na lutuan sa bahay ay napakaimportante dahil kung hindi maaaring pagmulan ito ng sunog at kung ano pang pangyayari. Dapat ay laging tinitiyak na walang leak, butas, o sira ang mga kagamitang ito maging ang kanilang mga spare parts sa loob upang masigurado na ito ay safe gamitin. 
Isang netizen na nakilala bilang Mutya Javier ang nagbahagi ng isang nakaka-alarmang pangyayari tungkol sa pagkabasag ng kanilang glass top na stove. Dahil dito, siya rin ay nagbigay ng babala sa publiko na mag-ingat sa paggamit ng ganitong klaseng lutuan.
Narito ang kanyang post,
Babala!

Kanina habang nagiinit ng tubig si nanay bigla na lang pumutok ang kalan reason kung bakit nagkabasag basag ang glass top ng kalan. Mabuti na lang wala si nanay sa harap ng kalan. Thank God! Hindi namin alam kung bakit nagkaganon. Hindi naman daw umapoy ng malaki yung kalan, basta may narinig kami pumutok tapos yan na yung nakita namin. Hindi kaya masyado na gamit na gamit yung kalan? Lalo na kahapon maghapon naka-on dahil sa dami ng niluto? (Fiesta) I’m not sure pero 4 years na rin kase namin gamit to, ngayon lang namin naexperience to. Maayos naman ang connection ng hose.
Nakakatako! Hindi rin pala safe to.
I’m posting this foor your info na ganitong klase ang gamit na stove. Ingat ingat po. Be safe everyone!
By the way sa mga nagtatanong, KYOWA po ang brand ng kalan.”

Makikita sa larawan ang mga bubog sa nabasag na kalan at tanging metal frame ng stove na lamang ang natira. Hindi rin matukoy ng netizen kung ano ba ang talagang sanhi ng pagputok at pagkabasag ng kanilang kalan. 

Ngunit ayon sa isang netizen, dapat ang mga ganitong klaseng kitchen appliances ay heatproof. Maaaring mababang kalidad ang ginamit na glass para rito o di kaya ay may defect talaga ang mismong produkto kaya ganito ang sinapit.
Kaya naman para sa publiko ay dagdag ingat lamang at tiyaking ligtas ang lahat ng mga appliances na ginagamit sa bahay. 
Source: Facebook

38 Comments

Add yours
  1. 2
    Unknown

    Kong minsan sa tinagal tagal na din na ginagamit lalo na araw araw mong ginagamit at lumuluma na sa ilang taon na pala din nilang ginagamit, eh talagang ganun na nga masisira lalo nay Hindi nman talaga good quality. Thanks for sharing kabayan, keep safe always.

  2. 3
    Rodzki

    Nangyari na rn sa dati kong tempered glass top na stove ko noon. Di nmn xa ginagamit kasi oras na ng tulugan noong may bigla akong narinig na malakas na pagkabasag ng salamin. Ayon ung glass top ng stove bumigay. Akala ko pa nmn authentic na tempered glass at thermostat sya . Sadly wla pa 1yr nagagamit. Starts sa letter H ang brand. Now back to basic na ako. I still rely on Standard but not a glass top.

  3. 4
    Unknown

    Ganyan din nangyari sa glass stove oven ko.. Bigla na lang din pumutok nung gabi tapos tuloy tuloy na crack buti na lang nasa sala kami ng pamilya ko may mga kids pa naman ako. Ang nakakatakot may nagtalsikan na maliliit na bubog.. Wala Pa din 1year na nagamit.

  4. 5
    Unknown

    ung mga ganyang kalan po bawal punasan ng basang badahan habang mainit pa o pagkatpos paglutuan . kasi talaga pong puputok kasi bubog . ung iba namn po sa brand . pag mababang kalidad o hindi kilalang brand ay mag dalawang isip po muna tayo mas ok na sa mahal basta safr gamitin po

  5. 6
    Unknown

    I recommend Rinnai brand, Japan technology. glass top din gamit ko pero matibay talaga, at higit sa lahat, sobrang tipid sa LPG consumption. Naging 2x longer ung tagal ngayon ng LPG ko. medyo mahal nga lng. P3k ang dual burner, pero sulit talaga. Binili ko sakin sa Abenson.

  6. 7
    Unknown

    Pag glasscooktop m instruction un na dapat d basahin or punasan glass lalo na pag katatapos lang cook mainit. Pag lagi ginagawa punasan ng basa isa sa rason sumasabog sia

  7. 9
    Unknown

    type kong bumili nyan dati kasi mukhang kitchentop..pero nung nkita kong salamin lng cya, nagduda ako kung kkayanin nyan ung init. pero kung 4 yrs na yan, hndi na masama, nkpag-serve na rin…

  8. 10
    Unknown

    Isa po sa mga dahilan mg pagputok ay kung matagal nang ginagamit at kasalukuyang mainit ang glass ay maaaring biglang nabasa,dahilan pata dumabog ang tempered glass nito

  9. 13
    Unknown

    Kahit pa po ilang years gamit ang ganyan design ng lutuan kong bubog naman sya may posibilidad na mangyare po ang di dapat inaasaha.. Tulad po ng ganyan diba. .pero ung lutuan namin umaabot po ng ilang years pero hnd naman naputok kasi Stainless po un habang natagal lng kinakalawang

  10. 20
    Unknown

    Ganyan din po kalan namin,5yrs na po..cguro kapag ginamit xia wag lng muna agad linisin Ng basa,kz karamihan nmn po sa atin pagkagamit Ng kalan nandyan na ung lilinisin agad..eh glass po Yan,pag nainitan at bglang gnamit cgurado mababasag tlgah..cguro pagpahingahin muna Ng ilang oras bago linisin?

  11. 25
    Unknown

    May mali po s pag gamit kaya pumutok. Hindi po kasi ito design para s maramihan o matagalang pagluluto. Kaya nga po glass top yan dahil s pakunti kunting pagluluto. Sa matagalang pagluluto maiinit masyado ang glass at magakakaron ng tendency n pumutok. Wala po yan s brand nasa pag gamit po. Ty

  12. 28
    Unknown

    Top glass din po samin pero 4 yrs na, wala pa naman ganyan nangyayari nasa nagamit po iyan, dapat hindi bagong basa na basahan ang ginagmit o kaya after 10 mins at saka punasan

  13. 31
    Unknown

    Masyado lang po cguro gamit na gamit. Ganyan din po samin mag 2 yrs na. Ska baka sa sobrang kulo ng tubig umaapaw tpos nappnta sa lutuan di kinaya kasi mainit nadin ang glass.

  14. 33
    Unknown

    Ganyan din ang kalan na gamit ko.Almost 5 years na,so far ok naman sya.Bawal kasi yan sa pangmatagalan na pagluluto kasi hindi yan heavy duty.Bawal din dyan ang malalaking lutuan,dahil may possibility na mabasag.Pag bumili ka ng ganyan sa mall,sinasabi na ng mga sales crew ang disadvantages ng ganyang klase ng kalan.Kahit sa online,nakalagay din yan sa product details.

  15. 35
    Unknown

    Sabi poh ng nabilhan ko ng ganyang kalan..bawal daw poh mabasa ang salamin kapag mainit..or kht punasan ng basag basahan..dapat hintayin muna lumamig ung salamin.

  16. 37
    Unknown

    Two times na ako gimamit nyan.. talagang dilikado talaga mga ganyan…kahit dka nagluluto bigla nalang nababasag…. Akala ko kakdero na nahulog Yun pala Yung kalan …dalawang brand pa Yun..

+ Leave a Comment