Pulis, Tinulungan ang Isang Turista sa Baguio Matapos Nitong Mahulog ang Kaniyang Cellphone sa Burnham Park
Nakakatuwa kung paano mayroong mga tao na mahilig tumulong ng lagpas sa kanilang mga tungkulin upang matulungan ang ibang tao na nangangailangan, kahit na nangangahulugan na kinakailangan tumalon sa isang malalim na lawa upang makuha ang telepono ng isang tao na hindi mo kilala. Iyon ang ginawa ng isang pulis sa Baguio City matapos mahulog ng isang turista ang kanyang telepono sa lawa sa loob ng Burnham Park.
Sa isang post sa Facebook, ibinahagi ni Andrew Borquil Tanghal na hindi niya sinasadyang maihulog ang kanyang telepono habang bumaba sa bangka matapos na magsaya sa ginawa ng nila sa lawa sa Burnharm Park. Sa sobrang halaga ng telepono ng dahil sa maraming alalaa, nais ni Andrew na kunin ito ng mahulog ito sa tubig, ngunit sinabihan siya na ang lawa ay may 9ft na lalim, makati din ang tubig, at naglalaman ng maraming mga basag na bote ng baso sa ilalim.
Sinabi ng matandang lalaki na nag-aalaga sa mga Bangka na ang karaniwang presyo ng pagkuha ng mga nahulog na item sa lawa ay Php5,000 ngunit may kilala siyang isang tao na gagawa nito para sa halagang Php1,500. Ngunit kahit sa Php1,500, hindi sigurado si Andrew kung maaari niyang gastusin ang kanyang pera dahil baka wala na siyang matirang pera pauwi sa kaniyang bahay dahil hindi naman ito taga Baguio City. Isang batang pulis ang nakasaksi sa pagkabalisa ng turista dahil sa telepono.
Nagalok ito na kukunin nito ang cellphone nang hindi humihiling ng anumang kabayaran. Sa halip, hiniling ng pulis kay Andrew na bilhan nalang nito ito ng shorts upang gawing pampalit dahil mababasa ito. Sa katunayan, ang tubig sa lawa na iyon ay malamig at makati, ngunit ang pulis na ito ay lumampas sa tawag ng tungkulin upang matulungan ang nababagabag na turista sa kaniyang pr0blema. Sa kabila ng madilim na tubig at malalim na lawa, ang pulis ay nakuhang muli ang cellphone. Ayon kay Andrew, Napakaimportante ng mga memories sa cellphone niya kaya masayang masaya siya nung nakuha niya ito muli. Natuwa si Andrew dahil may mga taong natitira parin dawn a walang hinihiling na kapalit sa pagtulong.
+ There are no comments
Add yours