Roasted Butiki, Patok at Popular na Pagkain sa Vietnam!
Ang mundo natin ay nahahati sa pitong kontinente at napakaraming bansa kaya naman sari-sari rin ang mga tradisyon at mga paraan nang pamumuhay ng bawat grupo ng taong nakatira sa iba’t-ibang parte nito.
Ang pagkain ay isa sa pinakamalaking parte ng kultura ng bawat lugar o bansa at ito ay lubhang naiiba sa isa’t-isa. Kung ang Pilipinas ay may balut, adidas, helmet (inihaw na ulo ng manok) at iba pa, alam niyo ba na ang Vietnam naman ay mayroong inihaw na butiki?
Ang uri ng kanilang inihaw na butiki ay siyang mismong mga butiki na makikita sa ating mga pader at sa kisame sa loob ng ating mga tahana na kumakain sa mga gamu-gamo at iba pang insekto na gumagala sa paligid. Isa itong exotic food sa Vietnam kung saan niluluto nila ang mga ito at kakainin kasabay ng kanin.
Dahil ito ay sikat na kinakain sa Vietnam, mayroong mga taong nag-aalaga at nagpaparami ng mga ito at saka iluluto o iihawin sa hurno kapag sila ay umabot na sa tamang laki.
Ang mga nalutong butiki ay tinitimbang at ibinabagsak sa mga palengke upang ibenta. Ang presyo nito ay dedepende sa bigat at dami ng bibilhin. Ang mga turistang malalakas ang loob ay maaari itong subukan at kapag nagustuhan nila ay pwedeng bumili ng ilang supot nito subalit hindi ito pwedeng i-uwi dahil ito ay kukumpiskahin sa airport at hindi sila papayagang dalhin ang mga ito sa kani-kanilang mga bansang pinanggalingan.
Ang mga larawan na inilagay sa Facebook tungkol rito ay umani ng iba’t-ibang reaksyon mula sa mga tao. Karamihan sa kanila ay nandiri at nagpahayag ng labis na pagkadisgusto sa pambihirang pagkain na ito.
Ngunit para sa mga taong nakatira sa bansang ito, normal na sa kanila ang pagkain nito at ito ay parte na ng kanilang kultura. Hindi rin naman natin pwedeng husgahan agad ito at pati na ang mga taong kumakain nito hangga’t hindi natin nasusubukan. Anong malay natin, baka ito ay magustuhan rin natin hindi ba?
+ There are no comments
Add yours