Tatlong Magkakaibigan Nagviral Matapos Mandaya Upang Makakain Ng Libre Sa Isang Hotel Sa Boracay
Karamihan sa mga turista ay naghahanap ng murang mga package kapag sila ay nagta-travel upang sila ay makatipid. Marami rin ang nagbabahagi ng kani-kanilang mga travel hacks na tiyak na su-swak sa mga budget ng mga nais mamasyal at magbakasyon.
Gayunpaman, hindi lahat ng ibinabahagi na travel hack ay applicable o tama. Katulad na lamang ng tatlong magkakaibigang ito na nagviral sa social media dahil sa ginawang pandaraya sa isang hotel sa Boracay para sila ay makakain ng libreng breakfast buffet.
Maraming netizens ang nagalit sa lalaking si Christopher dahil sa pagbabahagi pa sa isang Facebook page na Byaheng Budgetarian ang kanilang ginawang pangongopya ng stamp ng unli-breakfast sa La Carmela de Boracay.
Dahil sa pandarayang ito ay nakatipid raw sila ng Php350 at nakakain pa ng unlimited breakfast. Ibinahagi pa niya ang mga hakbang kung papaano ito gagawin at ibinida pa niya na ideya niya raw ito.
Ngunit ang ipinagmamalaki niyang travel hack na ito ang sumampal ng kamalasan sa kanyang mukha dahil imbes na matuwa ang mga netizens ay marami ang bumatikos at nagalit sa magkakaibigang ito.
Ito ang kanyang naging buong post:
“La Carmela de Boracay UNLI-BREAKFAST HACK!
-Makakatipid ka ng Php350 agad-agad at sobrang mabubusog ka pa.
Tools: 25 cents and black ballpen/ sign pen (kung wala pwede na yung pangkilay)
How: Gayahin mo lang yung pantatak nila. Di kailangang perfect basta maging visible lang na may mark ka sa kamay.
Effectiveness: 95% no sweat.
Note: It is my crazy idea and once lang po namin ginawa. Swear. #TipidMode #BoracayEscapade”
Hindi naman napigilan ng mga netizens na magkomento na nakakahiya ang kanilang ginawa at talagang naging proud pa sila sa ginawang panlalamang. Narito ang mga komento ng mga netizens tungkol dito.
“Pinagmalaki niyo pa pagiging balasubas niyo. Ano kaya sasabihin ng employer niyo, if may work kayo, na mga employee niya hindi trustworthy. Nakakahiya kayo.”
“Hindi pagtitipid yan, tawag diyan pandaraya, panloloko, panlalamang sa kapwa.”
“Hindi mo na nga dapat ginawa, pinagmalaki mo pa!”
“Sa halagang 350 sinira niyo yung pagkatao niyo, proud pa kayo niyan.”
+ There are no comments
Add yours