Tawang-tawa Ang Mga Netizens Sa Sagot Ng Isang Grade 2 Pupil Sa Kanilang Exam
Bilang isang estudyante ay hindi maiiwasan ang ma-mental block o magkamali ng maisulat lalo na kapag exam. Minsan dahil na rin sa time-pressure kapag nagte-test ay hindi na nila namamalayan na magkabaligtad pala ang naisasagot sa kanilang papel.
Katulad na lamang ng isang Grade 2 student na ito na ibinahagi ng kanyang tiyo na nakilala bilang si Armand Vincent Sese. Shinare ni Sese sa social media ang resulta at sagot ng kanyang pamangkin sa test nila sa school.
Hindi man na-perfect ng bata ang pagsusulit ngunit bentang-benta naman ito sa mga netizens.
Bahagi ni Sese,
“So we can’t stop laughing because of the answers of my Grade 2 pamangkin in one of her tests. Bb. Jocelyn is shookt!”
Sa parte kase nito ng exam ay fill-in the blanks ngunit mayroong mga choices na pagpipiliian sa taas.
Naging katawa-tawa ang naging sagot ng bata dahil napagbaligtad niya ang mga sagot na Bb. Jocelyn at unggoy. Imbes na isagot niya sana na si Bb. Jocelyn ang kung sino ang kanilang guro sa Science ay naisulat niya na, “Ang aming guro sa Science ay si unggoy.”
Samantalang imbes na unggoy sana ang isulat niya kung sino ang mahilig kumain ng saging ay naisulat niya ang pangalan ng kanyang guro. Kaya naman hindi mapigilan ng mga nakakabasa ang matawa rito.
Nang maibahagi ito sa social media ay agad itong nagviral dahil maraming netizens ang naaliw at natawa rito. Kanya-kanya rin namang tag at share ang mga netizens rito upang maibahagi ang good vibes sa kanilang mga kaibigan. Narito ang ilan sa kanilang mga komento.
“Sakit ng tiyan ko kakatawa.”
“Sana walang nangopya sa kanya.”
“Di ako makapigil ng tawa.”
“Ang dami niyang napasaya. hehe”
“Kaya ayoko ng fill in the blanks. hahaha.”
Maaaring noong nalaman ng bata na mali ang kanyang nasagot ay nagulat rin siya sa kanyang naisulat. Hindi man niya nakuha ng perfect ang kanyang exam, ay marami namang tao ang kanyang napasaya dahil dito.
Source: Facebook
dami kong tawa dito
Bbka tlga mukha unggoy teacher nya??
????????