Tinaguriang Gymnast Granny, Nag-Viral sa Social Media Matapos Ipakita ang Impressive Routines




Madalas nating makita ang mga matatanda na gumugugol ng kanilang oras sa pagpapahinga at maging komportable sa kanilang buhay habang sila ay nasa pagreretirong edad. Ngunit ang 92 na taong gulang na lola na ito ay tiyak na kakaiba lahat. Siya ay si Johanna Quaas o mas kilala bilang World’s Oldest Gymnast. Ang kanyang mga stunt ay talagang kamangha-mangha at hindi kataka-taka na ang maraming madla ay talagang mabibilib sa kaniya.
Siya ay maaaring mukhang isang tipikal na lola sa maraming mga matatanda dahil sa kaniyang puting buhok at kulubot na balat ngunit siya ay talagang kakaiba sa lahat. Siya ay aktwal na sumali sa International German Gymnastics Festival sa Berlin noong Hunyo 2017. Ang ilan sa mga batang gymnast ay maaaring mahirapang gumanap nang walang kamali-mali sa mga bar ngunit iba itong lola na ito dahil nagpakita siya ng hindi kapani-paniwala na lakas at talent na ginugol niya sa maraming taon. 

Siya ay tinanghal na una sa mga paligsahan sa paglipas ng panahon. Siya ay iginawad din bilang ika-apat na pwesto sa isang kamakailang kaganapan. Maraming mga tao ang nagtataki sa kaniyang edad dahil maaari pa rin siyang makagawa ng hindi kapani-paniwala at kamangha-manghang mga stunts. Tila siya ay parang bata pa rin sa kabila ng kanyang edad at hitsura. 

Noong 2012 ay itinanyag siya bilang sertipikadong Pinakamatandang Gymnast ng Guinness World of Record nang siya ay 86 taong gulang. Matapos ang naturang pagkilala sa kaniya sa buong mundo ay hindi na siya tumigil sa pagsasanay at nagpatuloy sa kanyang hilig sa buhay. Ayon sa kanya, hinding-hindi siya hihinto sa gymnastics at magpapatuloy siya sa larangan na ito hanggang sa siya ay mawala na sa mundo. Dahil sa pinakita ni lola, ito marahil ay magsilbing inspirasyon ng mga kabataan o ng kung sino man na ipagpatuloy ang mga pangarap lalo na kung mahal moa ng iyong ginagawa.


+ There are no comments

Add yours